PAMAGAT: ANAK (Direksiyon ni Rory B. Quintos)
- Vilma Santos bilang Josie (ina at OFW na nagtatrabaho sa Hong Kong)
- Claudine Barretto bilangCarla (Panganay na anak ni Josie)
- Joel Torre bilang Rudy (Asawa ni Josie)
- Baron Geisler bilang Michael (Pangalawang anak ni Josie)
- Amy Austria bilang Lyn (Natalik na kaibigan ni Josie at OFW sa Hong Kong)
- Cherry Pie Picache bilang Mercy (Natalik na kaibigan ni Josie at OFW sa Hong Kong)
- Sheila Mae Alvero bilang Daday (Bunsong anak ni Josie)
- Leandro Muñoz bilang Brian (Kasintahan ni Carla)
- Tess Dumpit bilang Norma
- Cris Michelena bilang Arnel
- Hazel Ann Mendoza bilangYoung Carla
- Daniel Morial bilang Young Michael
- Gino Paul Guzman bilang Don Don
- Jodi Sta. Maria bilang Bernadette
- Odette Khan Mrs. Madrid
Nagampanan ng mga tauhan nang maayos ang mga karakter na kanilang ginampanan. Ang bawat salitang kanilang binibigkas at ang paraan ng kanilang pag-arte ay makatotohanan. Ang bawat pangyayari ay nakaka-antig ng damdamin, kung kaya't nagiging emosyonal ang manunuod. Lahat ng pangyayari ay kapana-panabik sapagkat hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari at ang mga "plot twist". Ang buong husay na pagganap ng mga artista ang nagbigay buhay sa buong kwento kaya't itoy naging makatotohanan.
2. Istorya o Kwento
I. Buod ng Kwento
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.
Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.
Base sa aking reaksyon sa pinanood na palabas, ang puso ko ay naantig at naging emosyonal sa mga piling pagkakataon. Ang bawat pangyayari ay kaabang-abang sapagkat ang pelikula ay kakaiba sa paraan ng pagkakalahad ng kwento bagama't ang kabuuang kwento ay pangkaraniwan, hindi mo masasabi kung ano ang susunod na mangyayari.
Malalim ang istorya sapagkat hindi ito pangkaraniwan lamang na may mag-aaway at magbabati. Ipinapakita ng kwento ang detalyado at eksaktong mga pangyayari kung bakit nagkaganoon ang kanilang pamilya. Hindi paligoy-ligoy ang istorya sapagkat fokus nito ang mga pangyayari kung bakit kinamumuhian siya ng kanyang anak na si Carla. Ang pangunahing tauhan na ginampanan ni Vilma Santos ay nagpapakita ng katapangan sa pagharap niya sa suliranin- ang paglayo ng loob ng kanyang anak sakanya. Hindi niya tinakbuhan bagkus ay hinarap niya ito ng buong lakas. Bagama't may mga pagkakataon na mahuhulaan mo ang susunod na pangyayari, mas marami parin ang kaganapan na hindi mo mahuhulaan ang susunod.
Ang wakas ng kwento ay masaya sapagkat nagkaayos ang mag-ina at nagsimula ng bagong buhay ang mga tauhan bilang isang buopng pamilya.
3. Pananalita
May mga pagkakataon na nagmumura ang karakter ngunit ito'y nagdadala sa mas mataas na antas ng tunggalian sa pagitan ng mga karakter. Ang mga salitang mga ginamit ay hindi malalalim na naghatid sa mas malalim na pag-unawa ng mga manunuod. Direktang ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang saloobin ng walang paligoy-ligoy.
4. Tema o Paksa
Ito ay patungkol sa isang ina na nagtatrabaho bilang OFW sa Hong Kong at tinitiis na malayo sa pamilya upang mabigyan ito ng magandang buhay. Naglalayon ito na ipaintindi sa mga kamag-anak ng mga OFW na hindi sila umalis para takasan ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon. Ipinahahatid lamang nito na handang gawin ng isang ina ang lahat para sa kanyang mga anak. At kahit anuman ang mangyari babalik at babalik ka parin sa iyong ina.
5. Titulo
Ang titulo ay angkop sa pelikula sapagkat sakanya nagsimula ang problema, noong pinipilit niya na lumayo ang kanyang ina sa kanilang magkakapatid. Ito rin ay sumisimbolo sa mga paghihirap ng ina at ang kanyang mga paghihirap makuha lang ulit ang loob ng kanyang mga anak.
6. Cinematograpo
Ang mga anggulong kinunan ay angkop sa bawat pangyayari. Ang pagpalipat-lipat ng anggulo at fokus ng camera ay mas nagbigay ng kulay sa buong kwento. Katulad rin ng visual effects. mas napaigting nito ang bawat pangyayari, mas nagkakaroon ng malawak na 'access' sa mga pangyayari. Na-adjust rin ang mga camera upang mabigyan ng diin ang mga ginagawa ng bawat karakter at para narin masundan ang mga aksyon na kanilang ginagawa.
7. Aspektong Teknikal
Sa mga ganitong klaseng pelikula, nangangalaingan ito ng mga musika upang mas maantig ang damdamin ng mga manunuod. Ang mga eksena ay hindi putol-putol, sunod-sunod ang pagkakalahad ng mga impormasyon. Mayroon ring koordinasyon sa ilaw at tunog kaya't hindi ito magulo tingnan. Ang Editing ay napakahusay sapagkat sunod sunod ang pagkakadugtong mga mga pangyayari at ito ay nakabuo ng maganda at epektibong pelikula.
Hey you nigga
TumugonBurahinsup nigga
Burahinpara sa mga artista
TumugonBurahinAno ang mga salitang ginamit?
TumugonBurahinstan loona
TumugonBurahinPaano mo mailalarawan ang tagpuan NG pelikula o kwento
TumugonBurahinMagbigay ng mga special effect na nakita mo sa pelikulang anak
TumugonBurahinLamatsss
TumugonBurahinFor modules sakeeee
TumugonBurahinCasino Tycoon: The Rise and Fall of Las Vegas - DRMCD
TumugonBurahinCasino 성남 출장안마 Tycoon: The Rise 여수 출장마사지 and Fall of Las 부천 출장샵 Vegas A 태백 출장마사지 thrilling 천안 출장마사지 and strategic journey that offers both new and classic experiences in Casino Tycoon,
whats good niggas
TumugonBurahin